2 barko ng Pilipinas na magdadala sana ng suplay ng pagkain, hinarang at binombahan ng tubig ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagharang ng tatlong barko ng Chinese Coast Guard sa dalawang barko ng Pilipinas na naglalaman ng suplay ng pagkain na ihahatid sana sa pwersa nito na nasa Kalayaan Island.

Sa inilabas na pahayag ng DFA ngayong araw, hinarang at binombahan ng tubig ng China ang mga barko ng Pilipinas habang nasa Ayungin Shoal.

Bagama’t wala namang nasugatan sa nangyari, napilitan ang mga barko na i-atras ang paghahatid ng suplay.


Sa ngayon, nagpahayag na ng pagkondena ang Pilipinas sa ginawang ito ng China at hinimok si Huang Xilian, Ambassador ng China sa Ministry of Foreign Affairs na resolbahin ang iligal na inasal ng mga barko nito sa lugar.

Ang Ayungin Shoal ay sakop ng Kalayaan Island Group (KIG) na parte ng teritoryo ng Pilipinas

Facebook Comments