2 bayan ng Sarangani province, idineklarang drug cleared ng PDEA

General Santos City- Sarangani Province- Idineklarang Drug Cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA-12) ang mga bayan ng Glan at Malangun probinsya ng Sarangani.

Ito ang kinumpirma ni PDEA 12 Director Gil Castro.

Ayon kay Castro na sa kanilang datus, wala ng natalang mga nahuli dahil sa illegal na droga, at kahit sa bilang ng mga surenderee at mga dokumentong naipasa, opisyal na nilang idineklara ito.


Malaki naman ang pasasalamat ni Malungon Mayor Tessa Constantino na wala ng plantasyon ng marijuana sa kanilang lungsod rason na naging drug cleared din ito.

Malaki ang pasasalamat ng alkalde sa mga ahensyang tumulong na makamit ang maging drug cleared municipality.

Dagdag naman ni PDEA 12 Director Castro, na kahit idineklara ng drug cleared ang isang lugar kailangan pa rin nilang gumawa ng overside committee sa patuloy na monitoring sa nasabing bayan ng Sarangani.
DZXL558

Facebook Comments