Ito ay bahagi ng P2-bilyong Loan Agreement sa LBP para sa Palay Procurement Program for Small Farmers ng Provincial Government of Isabela (PGI).
Ayon kay Gov. Rodito Albano III, ang palay procurement program ay magpapalakas sa produkto at kita ng maliliit na magsasaka.
Aniya, isa itong napapanahong pagtugon sa panawagan para sa isang tiyak at makatwirang presyo para sa kanilang ani, habang pinapatatag ang presyo ng palay sa lokal na pamilihan.
Ang P2-bilyon na aprubadong loan sa 2% na interes kada taon ay gagamitin bilang start-up o working capital para sa palay procurement operations sa halagang P1 bilyon, habang ang natitirang P1 bilyon bilang standby credit para sa pamumuhunan sa mga kagamitan at makinarya.
Bago ito, nangako ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) na bibigyan ang PGI ng libreng dryers at rice mill na ilalagay sa Grains Complex, bilang bahagi ng level-up intervention ng PhilMech sa pagpapalakas ng produksyon ng bigas sa kanayunan.
Layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na makipagsapalaran sa palay procurement program kasunod ng tagumpay ng Nagkakaisang Magsasaka ng Isabela Agricultural Cooperative (NMIAC).
Ang Grains Complex ay inuupahan ng PGI at binabayaran kada taon na may obligasyong kumpunihin, i-rehabilitate at i-upgrade ang pasilidad kabilang ang mga gusaling napinsala ng bagyo at gilingan ng palay.