Deadline sa pagsusumite ng masterlist ng pangalan ng mga tricycle driver na benepisyaryo ng fuel subsidy, hanggang ngayong araw na lamang – DILG

126

Ngayong araw ang itinakda ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Unit para makapagsumite sa kanila ng listahan ng mga pangalan ng mga tricycle drivers sa kanilang mga nasasakupan na benepisyaryo ng fuel subsidy.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya na sa ngayon ay nasa tatlong rehiyon pa lamang ang nakapagsumite ng mga pangalan ng tricycle drivers kabilang dito ang Regions 2, 9 at Cordillera Administrative Region.

Ayon kay Malaya, kabuuang 44,299 na mga pangalan na ang nasa listahan na validated ng mga LGUs at inaasahang mas dadami pa ang mapapasama sa listahan.


Paliwanag ni Malaya kapag nakapagsumite na ng listahan ang mga lgus, isusumite naman ito ng DILG sa LTFRB upang masimulan na ang pamumudmod ng fuel subsidy sa mga tricycle drivers.

Facebook Comments