
Dalawang call center agents na patungo sana ng Laos ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA Terminal 3.
Nabatid na nagpanggap na officemates ang dalawa at magbabakasyon daw sila sa Bangkok, Thailand.
Gayunman, sa pagtatanong ng immigration officers, umamin ang mga ito na hindi sila magkakilala at pinangakuan sila ng illegal recruiter ng P50,000 na buwanang sweldo sa Laos.
Nagbayad anila sila ng P3,000 sa recruiter na nakilala lamang nila sa social media.
Ang mga biktima na nasa edad 25 at 31 ay nai-turn over na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa kaukulang imbestigasyon.
Facebook Comments









