2 Chinese, arestado ng PNP-AKG dahil sa pagdukot sa kapwa Chinese

 

Nakakulong na ngayon ang  2 Chinese matapos maaresto ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group dahil sa pagdukot sa kapwa nila Chinese sa Parañaque City.

 

Ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Banawagan, Luzon field unit commander ng AKG, miyembro ng loan shark syndicate ang mga suspek na sina Wan Renhong at Wan Liang.

 

Ayon sa kwento nang nasagip na biktima na si Wang Hong, natalo sya sa sugal noong December 4 at nangutang ng P1 Million na may tubo na 15 percent kapag siya ay mananalo sa sugal.


 

December 8 habang naka check in sa Baymont Hotel, nagbanta ang mga kidnapper na kung hindi makakapagbayad ang biktima ay papatayin nila ito.

 

Nagawa naman ng biktima na makapagpadala pa ng message sa kaibigan nya sa kanyang lokasyon na naging dahilan para matunton ng mga pulis ang kinaroroonan ng mga suspek.

 

Agad isinailalim  ang mga suspek sa inquest proceeding sa DOJ na nahaharap sa kasong kidnapping for ransom with serious illegal detention.

Facebook Comments