Manila, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng anti-trafficking in person ng PNP Wowen and Children Protection Center ang dalawang Cyber bugaw sa kanilang ikinasang operasyon sa Roxas Boulevard sa lungsog ng Maynila.
Kinilala ang dalawang naarestong bugaw na sina Jamil Sampaga at Anthony Mabansag na nasakote nitong nakalipas na araw na Linggo October 15, 2017.
Ayon Kay Sr. Supt. Villamor Tuliao, Chief ng Anti-Trafficking in person inaresto ang dalawa matapos na ibugaw ang isang 17-taong gulang na dalagita sa mga foreigner nilang customer.
Ino-offer ng mga suspek na ito sa kanilang ibinibugaw na menor de edad ay halagang limang libong piso.
Sinabi pa ni Tuliao na isang taon din silang nag-surveillance para maaresto ang dalawang nitong nakalipas na araw ng Linggo.
Naniniwala naman si Tuliao na ang dalawang suspek ay kabilang sa mga malawakang online sexual exploitation of children sa bansa.
Sa ngayon, nakakulong na ang dalawang suspek at nahaharap sa paglabag sa kasong RA 10364 o ang Anti Trafficking in Persons Act, Anti Child Pornography Act, CyberCrime prevention Act of 2012 at Anti Child Abuse Law.