2-DAY LTOPF CARAVAN SA CAUAYAN, UMARANGKADA NA

Cauayan City – Nagsimula ng magsidatingan ang mga indibidwal na nais kumuha ng serbisyong hatid ng License To Own and Possess Firearm (LTOPF) Caravan na nagaganap ngayon sa SM City Cauayan.

Ang isinasagawang 2-Day LTOPF Caravan ay hatid ng LGU Cauayan katuwang ang Cauayan City Police Station bilang isa sa regalo ni Cauayan City Mayor Hon. Jaycee Dy sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong buwan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay PLTCOL Ernesto Nebalasca Jr., Chief of Police ng Cauayan City Police Station, malaking tulong ang aktibidad na ito para sa mga Gun Enthusiasts at Gun Owners dahil mas mapapadali na ang pagsasaayos nila ng mga kinakailangang dokumento sapagkat inilapit na mismo sa kanila ang serbisyong kanilang kailangan.


Inaasahan naman nila na mas dadagsain pa ang aktibidad lalo na’t ngayong unang araw ng pagbubukas ng Caravan ay marami-rami na ang bumibisita sakanila.

Facebook Comments