2 drug pusher, patay sa buy-bust operation Maynila

Manila, Philippines – Patay ang dalawang drug suspek matapos umanong manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Charlie Ivo, alyas Alfred, isang tindero, at Roberto Ribot, trenta y nuebe anyos, isang construction worker.

Ayon kay PO3 Roderick Magpale, nakipagkita ang isang poseur buyer na pulis kina Ivo at Ribot sa isang eskinita malapit sa Quiapo bridge.


Nang makatunog na pulis ang kanilang ka-transaksyon, agad na nagpaputok ng baril ang mga suspek kaya’t napilitan ang mga pulis na magpaputok na rin.

Dead on the spot si Ivo, habang naisugod pa sa ospital ngunit binawian din ng buhay si Ribot.

Narekober ang dalawandaang pisong buy-bust money at kalibre trenta y otso.

Facebook Comments