2 drug suspect sa Fairview Quezon City, arestado

Huli ang dalawang drug suspect sa ikinasang buy bust operation ng Police Fairview sa Quezon City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Renz Axl Dabuet 20 anyos at John Harold Dabuet.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli ang dalawa sa Abe Maria, Maligaya Park Land Subd., Quezon City matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga pulis sa umano’y drug transaction ng mga drug suspect.


Nakuha sa kanila ang 16 plastic sachet na may laman na mga dried marijuana at may estimated street value na 33,300 pesos.

Nahaharap na ngayon ang dalawa sa  kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Facebook Comments