2 drug suspek, huli sa buy-bust operation sa Pasay

35

Arestado ang dalawang drug suspek matapos ang ikinasang buy bust operation sa Maricaban Pasay

Kinilala ang mga ito na sina Jeffrey Villarba 36 anyos at Ryan Gulle 30 anyos mga residente ng Maricaban Pasay.


Sa ulat ng Pasay City Police Station, rumesponde ang mga pulis ng Maricaban Pasay sa ulat na may nangyayaring illegal drug transaction sa isang lugar sa Barangay 184, Zone 19, Maricaban, Pasay City.

Agad ikinasa ang operasyon kung saan nakuha ng mga pulis sa mga suspek ang 11 sachet na may street value na 75,000 pesos.

Sa ngayon nahaharap na ang mga suspek sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments