2 electric coop, naapektuhan ng Bagyong Wilma

Kinukumpuni na ng mga line crew ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga transmission line na naapektuhan ng Bagyong Wilma.

Tuloy-tuloy na rin ang sabayang restoration activities sa ibang lugar na maaari nang mapuntahan ng bagyo.

Sa ngayon, wala pang suplay ng kuryente ang mga lugar na sinisilbihan ng dalawang electric cooperative dahil sa pananalasa ni Tropical Depression Wilma.

Ayon sa NGCP, naapektuhan ng sama ng panahon ang Amlan–San Carlos 69 kV Line.

Ang transmission line ang nagsusuplay ng kuryente sa dalawang EC na NORECO I at NORECO II sa Negros Oriental.

Facebook Comments