2 Empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, Binigyan ng Pagkilala!

*Cauayan City, Isabela- *Iginawad ang pagkilala sa dalawang empleyado ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela dahil sa kanilang ipinakitang katapatan nang ipasakamay nila sa Provincial Security Guard o PSG ang kanilang napulot na pera sa Capitol Compound, Brgy. Alibagu, Ilagan City, Isabela.

Personal na iniabot ni Atty.Noel Lopez, Provincial Administrator ng Pamahalaan Panlalawigan ng Isabela ang Certificate of Appreciation kina Nikko Boy Tagao, empleyado ng Provincial Veterinary Office o PVET at Alfa Cariaga, empleyado ng Provincial Internal Audit and Control Office (PIACO).

Ang napulot na pera ni Tagao na halagang P1,000.00 ay agad na ipinasakamay sa PSG at agad namang naibalik sa may-ari na si Jonathan Larica, 20-anyos, binata at residente ng Barangay Muñoz, Roxas, Isabela.


Habang si Cariaga na nakapulot ng halagang P3,000 na pera ni Carol Paguirigan na empleyado rin ng Pamahalaan Panlalawigan ay agad din naisuli sa kanya.

Nang maipaabot kay Isabela Gov.Rodito Albano III ang katapatan ng mga nasabing empleyado ay kanya itong pinasalamatan dahil sa kahanga-hanga na ipinakitang katapatan at malasakit.

Facebook Comments