Inihayag ng pamunuan ng Mandaluyong Medical Center na maaaring umuwi sa kani-kanilang mga bahay ang dalawa sa 50 mga health workers na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Mandaluyong Medical Center Director Dr. Zaldy Carpeso na dalawa sa 50 na nilang healthcare workers ay maari nang umuwi sa kani-kanilang mga bahay matapos na gumaling.
Dagdag pa ni Dr. Carpeso, lima naman nilang mga medical personnel ang nag negatibo na rin sa COVID-19 pero muling isasalang sa test dahil kinakailangan umano na dalawang beses silang makakuha ng negative result bago masasabing clear na sila sa COVID-19.
Paliwanag ng opisyal, patuloy na binabantayan nila ang 711 nilang kaso ng suspected case ng COVID-19 dahil sa ngayon, ay mayroon ng 317 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong at 29 dito ang nasawi habang 40 naman ang gumaling na.