2 high value individuals sa Caloocan, arestado sa ikinasang drug operations

Hindi na nakapalag pa ang dalawang high value individuals matapos na maaresto ng Northern Police District katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang ikinasang anti-drug operations sa Lungsod ng Caloocan.

Ang mga nahuling suspek ay pawang nasa 52-anyos at 36-anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 57 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P387,600.


Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments