
Sinalakay ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit (BI-FSU) sa tulong Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), at Pasay Police ang basement ng isang hotel sa Pasay City matapos na mapag-alaman na nag-ooperate umano ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Naaresto sa nasabing operasyon ang nasa anim na Korean at 14 na mga Pilipino.
Ayon sa ulat ng BI, nakarating sa kanila ang impormasyon mula sa isang intel na ang grupo ay sangkot sa online gaming kung saan ang kanilang target ay kapwa nila Korean.
Dagdag pa rito, sangkot din umano ang grupo sa game fixing at online scamming.
Kinumpiska ng mga awtoridad sa lugar ang 54 na computer monitor, 21 mga CPUs, tatlong vaults, apat na plastic drawer, at isang steel drawer.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PAOCC ang mga naarestong dayuhan na dumaraan sa immigration inquest habang isasailalim naman sa imbestigasyon ang 15 Pinoy na sangkot sa nasabing operasyon.