1 patay, dalawa ang sugatan sa pagbangga ng 10-wheeler truck sa poste ng footbridge sa Marcos Highway sa Antipolo City

Patay ang pahinante at sugatan naman ang driver ng 10-wheeler truck at isa pang pahinante nang nawalan umano ng preno kaya bumangga sa poste ng footbridge sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal.

Ayon kay Antipolo Traffic Enforcer Raymond Montoya, nangyari ang aksidente Pebrero 18, bago mag-alas 4 ng madaling araw.

Paliwanag naman ni Jose Regidor, testigo sa aksidente, galing sa Cogeo umano ang truck na may kargang hollow block na mabilis ang patakbo dahil nawalan ng preno pagdating sa stop light sa Masinag.


Dahil sa panic, tumalon umano ang pahinante ng truck na tumama rin sa poste na kinasawi nito habang sugatan naman ang driver ng truck at isa pang pahinante.

Sabi ni Montoya, minabuti umano ng driver na sa poste na lang ng footbridge ibangga ang truck kaysa makadamay pa ng mas maraming sibilyan.

sa lakas ng pagkabangga, inararo pa ng truck ang hindi bababa sa tatlo concrete barrier sa kalsada at nabangga rin ang dalawa tricycle na nakaparada.

Facebook Comments