2 High Value Target, Huli matapos Magpositibo sa inihaing Search Warrant

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang dalawang drug personalities na high value target sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Cagayan.

Nakilala ang akusado na si Elmar Laforga, 28 anyos, binata at residente ng Brgy. Bagumbayan,Lal-lo, Cagayan at Jamuel Jose, 40 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Angang, Tuao, Cagayan.

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Lallo PS, PDEU, PIB, PDEA Cagayan at 2nd PMFC ang mga akusado matapos isilbo matapos magpositibo ang inihaing search warrant laban sa mga ito.


Narekober kay Laforga ang anim (6) pakete ng pinaniniwalaang shabu, isang Granada at tatlong piraso ng live ammunition para sa kalibre 45 na baril.

Nakuha naman sa pag iingat ni Jose ang dalawang (2) piraso ng plastic sachet na may lamang pinatuyong dahoon ng marijuana, isang caliber 38 revolver, walong (8) pakete ng pinaniniwalaang shabu, aluminum foil at isang lighther.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang mga suspek na nasa himpilan ng pulisya.

Facebook Comments