Lola, patay matapos mabangga nang humarurot na motorsiklo sa Cavite

185

Binawian ng buhay ang isang 62-anyos lola matapos itong mabundol nang humarurot na motorsiklo sa isang kalsada sa Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Monera Nonok na nagtamo umano ng matinding pinsala sa ulo.

Ayon sa report, nakuhanan sa CCTV footage ng lugar ang insidente kung saan makikitang tumatawid ang matanda nang may biglang sumulpot na motor.


Bumagsak ang matanda habang tumilapon naman ang dalawang sakay ng motor.

Agad na itinakbo sa ospital ang biktima ngunit kalaunan ay namatay din.

Samantala, hawak na mga pulis ang driver ng motor.



Facebook Comments