2 Indonesian nakalaya na sa pagkakabihag ng Abu Sayayf Group sa Sulu pero isa rito nalunod habang tumatakas

Nailigtas ng Joint Task Force Sulu mula sa pagkakabihag ng Abu Sayyaf Group ang dalawang indonesian pero isa sa mga ito bangkay na nang makuha ng military.

Sa ulat ni Western Mindanao Command Spokesperson Col. Gerry Besana mag a alas sais ng gabi kagabi habangn nagooperate ang tropa ng Philippine Marines ready forcesĀ  Sulu malapitĀ  Simusa island sa Banguingui Sulu ay naka engkwentro nito ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf na mga tauhan ni ASG Sub Leader Najir Arik.

Noong mga oras na yun kasama ng tatlon ASG ang dalawang bihag na indonesian na tumakas sa pamamagitan ng paglangoy pero binawian ng buhay ang isa matapos malunod.


Kinilala ang kidnap victim na nakatakas ng buhay na si Heri Ardiansyah habang namatay ay kinilalang sa pangalangĀ  Hariadin.

Sa sagupaan naman na nagtagal ng 10 minuto 3 miyembro ng Abu Sayyaf ang namatay at narekober sa encounter site ang mga matataas na kalibre ng armas.

Wala naman naitalang casualties sa panig ng mga sundalo.

Facebook Comments