2 kaso ng PUI dahil sa COVID-19, Naitala ng DOH Region 2

*Cauayan City, Isabela*-Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Health Region 2 ang dalawang Patient-Under-Investigation matapos makitaan ng ilang sintomas ng hinihinalang sakit na Corona virus (COVID-19).

Sa pinakahuling tala ng DOH, dalawang babae ang nanatili sa isolation room ng sa Cagayan Valley Medical Center habang ang isa dito na 43 anyos na tubong Ballesteros, Cagayan ay nagnegatibo na sa resulta ng laboratory test.

Hinihintay naman ang resulta ng isang ginang mula Delfin, Albano matapos makitaan ng sintomas ng COVID-19.


Matatandaang umuwi ang 33 anyos na ginang sa Pilipinas noong Pebrero 21 mula sa bansang Hongkong na apektado ng nasabing sakit.

Hiniling naman ng nasabing tanggapan sa publiko lalo na sa mga bakasyonista mula sa mga bansang apektado ng COVID-19 na mangyaring dumulog sa mga tanggahan ng pangkalusugan upang matiyak na maiiwasan ang nakamamatay na sakit.

Muli namang nagpaalala ang DOH-Region 2 sa publiko na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon kaugnay sa COVID-19 sa panahong laganap ang mga balita at sabi-sabing kumpirmasyon na walang opisyal na basehan.

Facebook Comments