Pagpuna ni FL Liza Marcos kay VP Sara, ipinagtanggol ng isang kongresista

Ipinagtanggol ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang pagpuna at paglalabas ng sama ng loob ni First Lady Liza Araneta Marcos laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinagot din ni Chua ang sinabi ni VP Sara na walang kinalaman sa kanyang mandato ang mga naging pahayag ng Unang Ginang.

Giit ni Chua, hindi maituturing na personal o pansarili lang ni First Lady Liza Marcos ang kanyang mga sinabi patungkol kay VP Sara.


Diin ni Chua, ang mga naging pahayag ni First Lady Liza Marcos ay malinaw na patungkol sa karakter at integridad ng ikalawang pangulo na dapat ay kaisa ng administrasyon sa paglilingkod sa publiko.

Para kay Chua, nakukwestyon ngayon ang karakter at integridad ni Duterte dahil paano nito mapaglingkuran nang tapat ang taumbayan kung ang pangulo na dapat ay katuwang niya ay hindi niya masuportahan nang buong katapatan.

Facebook Comments