2 Katao, Arestado sa Cabagan!

88

Cabagan, Isabela- Nahuli ang dalawang kalalakihan matapos isilbi ang Warrant of Arrest ng mga ito dakong alas dyes ng umaga sa Brgy. Anao, Cabagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Cabagan ang mga suspek na kinilalang sina Jolito Magundayao Lopez, 49 anyos, may asawa at isang menor de edad na itinago sa pangalang “Mike” na kapwa residente ng Brgy. Bagutari, Sto. Tomas, Isabela sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong Frustrated Murder.


Dinala na sa himpilan ng PNP Cabagan ang mga nadakip para sa kaukulang dokumentasyon bago itinurn-over sa court of origin ng mga ito.

May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dalawa na nagkakahalaga ng tig dalawang daang libong piso.

Facebook Comments