2 Katao, Arestado sa Magkahiwalay na Operasyon ng mga Awtoridad

38

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang dalawang katao na Top 2 at Top 3 sa magkahiwalay na lugar sa Bayan ng Echague matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto ng mga ito.


Nakilala ang dalawang katao na sina Renato Meneses, 27 anyos, may asawa, isang mekaniko at residente ng Brgy. Soyung na nahaharap sa kasong Robbery habang nakilala ang isa pa na si Jona Carabbacan, 42 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Libertad para sa kasong Frustrated Homicide.

Ipinalabas ni kagalang galang hukom Bonifacio Ong ng RTC Br. 24 ang warrant of arrest ng mga ito na may petsang Nobyembre 26, 2019.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan ni Meneses kung makakapaglagak ng piyansnag (P120,000.00) habang kay Carabbacan ay (P72,000.00)

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng mga kapulisan ang mga akusado para harapin ang kaso laban dito.

Facebook Comments