Babaeng may cancer, patay matapos itago ang sakit dahil sa takot na kaawaan

5710

Nasawi ang isang 42-anyos na nanay matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa breast cancer matapos itago sa kaanak at kaibigan ang kalagayan dahil umano ayaw niyang kaawaan.


Idineklarang all clear na si Joanna Rees, mula Burton Staffordshire ngunit nadiskubreng bumalik ang naturang cancer nang kumalat ito sa kanyang buong katawan.

Ayon sa kaibigan niyang si Sarah Miller, hindi raw nagsasabi si Jo tungkol sa nararamdaman nito.

“She didn’t have side effects, and she didn’t tell people for a long time because she didn’t want the pity. She wore wigs,” aniya.

Napansin na lamang daw niya na mayroong dinaramdam ang kaibigan noong kumakain sila ng magkasama noon.

“I noticed something wasn’t right with her eating and the she went downhill very rapidly,” saad niya.

Kwento pa nya, nang maospital ang kaibigan, siya na raw ang kasa-kasama nito habang nagpapagaling ito.




Ngunit nito lamang Oktubre 6, binawian ng buhay si Joanna.

Matinding dalamhati ang nararamdaman ng kanyang buong pamilya dahil sa nangyari.

Facebook Comments