3 Casualty, Naitala sa Nangyaring Pagbaha sa Isabela!

192

*Cauayan City, Isabela- *Dalawa ang naitalang namatay habang isa ang nawawala matapos na sila’y malunod sa nangyaring pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng Isabela.

Batay sa report na ipinalabas ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), unang narekober ng mga otoridad ang bangkay ng isang nalunod na kinilalang si Rosendo Guzman Talub na taga Brgy. Bayabo East, Tumauini, Isabela habang kaninang 6:10 ng umaga ay narekober sa Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela ang bangkay ni Domingo Bacani na residente rin ng naturang lugar.


Pinaghahanap pa rin sa ngayon ang isa pang nawawala na si Hilario Bersamin na taga Brgy. Sto Tomas, Ilagan City, Isabela.

Sa ngayon ay nasa 1,710 na pamilya na lamang ang nasa mga evacuation centers sa Isabela habang 33 mga barangay na lamang ang lubog pa sa baha.

Samantala, nakakaranas naman ng brownout ang 26 na lugar sa Lalawigan dahil sa nangyaring pagbaha.

Facebook Comments