2 Katao na Wanted sa Batas, Huli sa Cabagan, Isabela!

88

*Cabagan, Isabela- *Natimbog na ng mga otoridad ang dalawang indibidwal na may kasong kinakaharap matapos isilbi ang Warrant of Arrest kahapon sa brgy. Centro Cabagan, Isabela.

Kinilala ang mga naaresto na sina Magdalena Arugay, animnapu’t tatlong taong gulang, isang magsasaka at Roger Arugay Panganiban na pawang mga residente ng brgy Catabayungan, Cabagan, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Noel Magbitang, hepe ng PNP Cabagan, dinakip ang dalawang suspek sa pangunguna ni Police Senior Inspector Pablo Tumbali, ang Deputy Chief of Police ng PNP Cabagan sa bisa ng mandamiento de aresto na inihain ni hukom Rogelio Anapi ng 2nd MTC Cabagan-Sto Tomas dahil sa kasong Indirect Contempt.

Nakapiit na ngayon sina Arugay at Panganiban at pansamatalang makakalaya kung makakapaglagak ng kanilang piyansang nagkakahalaga ng tig-dalawang libong piso.

Facebook Comments