2 Kooperatiba na Itinayo ng Sundalo, Nakatanggap ng Tulong!

Cauayan City, Isabela- Nakatanggap ng tulong ang dalawang (2) kooperatiba na ipinatayo ng pinagsanib pwersa ng 502 nd Infantry (Liberator) Brigade sa pamumuno ni Brigadier General Laurence E Mina at 86th Infantry Highlander Battalion sa pamumuno naman ni LTC Ali Alejo mula kay Hon. Alyssa Sheena P. Tan, Congresswoman ng 4th District ng Isabela.

Personal na ibinigay ni Congresswoman Tan katuwang ang Department of Science and Technology (DOST) ang tig-isang Multi-Purpose Grains Solar Drying Trays (Portasol) sa mga kooperatiba mula sa Lungsod ng Santiago, bayan ng Jones at San Agustin, Isabela na binubuo ng DIMAS Agriculture Cooperative ng Brgy. Minuri at NAKAR Agriculture Cooperative ng Sto. Domingo sa bayan ng Jones, Isabela na inorganisa ng mga sundalo sa ilalim ng kanilang proyektong Community Support Program (CSP).

Matatandaan na noong taong 2018 ay nag-deploy ng Community Support Program Team ang dalawang yunit ng sundalo sa mga barangay ng Jones, Isabela upang alamin ang problema ng mga mamamayan at nabatid dito na may kaugnayan sa pagsasaka o agrikultura ang kanilang idinadaing.


Ayon kay SSgt Liway Asuncion ng 502nd Infantry Brigade, 5ID, PA, matagumpay na naipasakamay sa dalawang kooperatiba ang portasol na malaking tulong para sa mga magsasaka dahil na rin sa kanilang pagbibigay seguridad.

Bagamat may mga paninira aniya mula sa mga progresibong grupo gaya ng KARAPATAN at DAGAMI ay hindi aniya nagpaapekto ang kasundaluhan upang ipagpatuloy ang hangarin ng kanilang CSP para sa mamamayan.

Facebook Comments