PMA Top 1 CDT 1CL. Sugui, Paparangalan ng Provincial Government ng Isabela

546

Cauayan City, Isabela- Paparangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela si Cadet First Class Gemalyn Sugui na tubong Echague, Isabela matapos manguna sa Philippine Military Academy ‘Masidlawan’ Class of 2020.

Ayon kay Governor Rodito Albano III, karangalan aniya ng buong probinsya ang pangunguna ni Cadet First Class Sugui sa mga nagtapos sa military ng nasa kabuuang 196 na mga kadete.


Dagdag pa niya, inspirasyon ito para sa mga kabataan na nagnanais na mapabilang sa military at makapaglingkod sa bayan.

Sa kabila nito, pagkakalooban ng tulong pinansyal ang pamilya ni Cadet Sugui matapos mag-Top 1 sa PMA ang itinuturing na Pride ng Echague.

Nagtapos si Sugui ng kursong Bachelor of Science in Management Economics sa University of the Philippines-Baguio City.

Nabatid na anak ng isang magsasaka at public School Teacher si Cadet First Class Sugui na isang 25-anyos.

Facebook Comments