Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Joint Task Force Sulu at Philipine National Police (PNP) ang dalawang lalaking nagbebenta ng bomb component na may koneksyon din sa Abu Sayyaf Group sa Jolo, Sulu.
Kinilala ang mga naaresto na sina Akkang Suraili Omaron ng Brgy. Tulay Jolo at Mardan Dammang Jamasali ng Brgy. Latih Patikul.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesperson 1Lt. Jerrica Angela Manongdo, nagsagawa sila ng buy-bust operation kasama ang PNP laban sa mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon sa ginagawang pagbebenta ng bomb component ng dalawa at may koneksyon sila sa Abu Sayyaf Group (ASG).
Nakuha sa kanila ang mga bala ng caliber-45 pistols at mga improvised explosive device components.
Sa ngayon, nahaharap ang dalawang naaresto sa kasong paglabag sa RA 1059 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act at RA 9516 o ang Unlawful Possession, Manufacture, Dealing In, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunition or Explosives.