Billionaire couple Bill at Melinda Gates, divorce na

44

Tuluyan nang naghiwalay ang American business magnate na si Bill Gates at asawang si Melinda, matapos ang 27 taon nilang pagsasama.

Sa kanilang Twiiter post, sinabi ng dalawa na matapos ang matinding pag-iisip at mga ginawa nila para sa kanilang relasyon, nagdesisyon silang tuldukan na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa kabila nito, magkasama pa rin nilang gagampanan ang kanilang misyon sa Bill & Melinda Gates Foundation.


Taong 1994 nang ikasal ang dalawa sa Hawaiian Island of Lanai at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Facebook Comments