2 Lider ng ‘Criminal Gang’ sa Ramon, Isabela, Arestado

106

Cauayan City, Isabela- Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang dalawang itinuturong lider ng ‘Criminal Gang’ matapos maaresto sa brgy. Bugallon Norte, Ramon, Isabela partikular sa harap ng public cemetery.

Sa ikinasang entrapment operation sa pamamagitan ng buy bust ng pinagsanib pwersa ng PNP Ramon at CIDG RFU2 Santiago CFU ay matagumpay na nahuli sa paglabag sa sa RA 10591 sina Pepito Ruezo alyas ‘Pepe’, 69 taong gulang, may-asawa, pintor, residente ng Sitio Molilyas, Bugallon Norte at Rolando Padua alyas ‘Lando’, 47 taong gulang, walang asawa, construction worker at residente naman ng Bugallon Proper ng bayan ng Ramon.


Nakumpiska sa pag-iingat ng dalawang suspek ang isang (1) unit ng Caliber 45 pistol; pitong (7) piraso ng bala ng Caliber 45; isang (1) steel magazine ng Caliber 45; isang (1) holster at isang (1) piraso ng limang daang piso na buybust money na nakalagay sa envelope na may kasamang pekeng pera.

Dito nabatid na ang dalawang nahuling suspek ay mga lider ng ‘PEPITO RUEZO GANG’, newly identified Criminal Gang na nag-ooperate sa bayan ng Ramon at mga karatig na munisipalidad.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms ang dalawang suspek na nasa pangangalaga ng Ramon Police Station.

Facebook Comments