2 Lungsod sa Cagayan Valley, Ikinategorya sa ‘High Epidemic Risk’ dahil sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Inilagay ng Department of Health Cagayan Valley Center for Health and Development sa kategoryang ‘High Epidemic Risk’ ang dalawang lungsod sa lambak ng Cagayan na kinabibilangan ng Tuguegarao City at Santiago City.

Ito ay matapos makapagtala ang dalawang lungsod ng mataas na Two-Week Growth Rate at Average Daily Attack Rate (ADAR) sa nakalipas na dalawang linggo.

Batay sa datos, ang Tuguegarao City ay nakapagtala ng 444.44% growth rate habang 214.29% growth rate naman ang Santiago City.

Sa naging assessment ng DOH region 2, nasa Alert Level 3 na ang Tuguegarao City at Santiago City habang ang nalalabing bahagi ng rehiyon ay nakasailalim pa rin sa Alert Level 2.

Nililinaw ang ang Alert Level status na ito ay base lamang sa assessment ng kagawaran at hindi idineklara ng IATF.

Samantala, nananatili naman na nasa Alert Level 2 ang buong Rehiyon Dos.

Facebook Comments