2 lungsod sa N. Cotabato, sinuspinde ang klase ngayong araw

Suspendido ang klase ngayong araw sa Makilala at Kidapawan City North Cotabato.

Ito ay dahil sa banta ng aftershocks kasunod ng magnitude 5.6 na lindol.

Nagkasundo sina Schools Division Superintendent Romelito Flores at acting Kidapawan Mayor Jivy Roe Bombeo na kanselahin ang klase sa lahat ng antas, sa private at public schools.


Ayon kay Flores, sinusuri pa rin ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at ng Department of Education (DepEd) sa lungsod ang mga crack sa ilang eskwelahan.

Samantala, sa bayan ng Makilala, kinansela rin ni Mayor Armando Quibod ang klase sa lahat ng antas.

Hindi bababa sa 140 aftershocks ang naitala ng Phivolcs.

Facebook Comments