2 malalaking food supplier, handa nang tumanggap ng order sa online Kadiwa ng DA

Maaari makapamili ang mga consumers ng mga sariwa at murang gulay at prutas nang hindi na kailangang lumabas sa mga palengke at posibleng mahawa ng virus.

Sa virtual presser ng Department of Agriculture (DA), muling hinikayat ni DA Spokesperson Noel Reyes ang mga consumers na tangkilikin ang online marketplace.

Gamit ang mga mobile phone o computer, maari nang umorder ng sariwa at masustansyang agricultural products sa eKadiwa.da.gov.ph.


Sa ngayon ay may dalawang supplier na ang nag-aantay na ng order.

kabilang dito ang AgriNurture, Inc. o ANI at Zagana.com, na nagbebenta ng mga prutas at gulay.

Ang mga consumers ay maaring magbayad ng cash o sa pamamagitan ng bank transfer.

Kasalukuyan pa ang negosasyon sa mga commercial banks para makapagbayad gamit ang mga credit card.

Kapag nabayaran na idedeliver ang mga inorder sa pamamagitan ng Mober, Inc.,

Sa ngayon ay Metro manila pa lamang ang sakop naserbisyuhan ng online marketplace.

Pero pinaplano na palawakin pa ito sa ibang major urban areas sa bansa.

Nagpahayag na rin ng interes na makibahagi ang mga transport at delivery service providers na Lalamove at Grab sa  eKadiwa project.

Facebook Comments