2 Meat Vendors Huli sa Buy Bust, Shabu at Baril Nakumpiska!

Ramon, Isabela- Arestado ang dalawang tulak ng droga sa isinagawang Drug Buy Bust Operation nang pinagsanib pwersa ng Ramon PNP, PDEA RO2 at Isabela PPO kahapon, Pebrero 28, 2018 sa Brgy. Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Homer Diyawyaw at Donald Capulong, parehong trentay kwatro anyos, may asawa, meat vendors at pawang mga residente ng Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team sa PNP Ramon, Nagpadala umano ng impormasyon sa kanilang tanggapan ang isang concerned citizen hinggil sa paghahanap ng buyer at pagbebenta ni Diyawyaw ng iligal na droga na agad namang inaksyunan ng pulisya.


Nagtungo umano sa transaksyong lugar ang mga operatiba at doon isinagawa ang kanilang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip nina Diyawyaw at Capulong.

Nasamsam mula sa sling bag ni Diyawyaw ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu, isang (1) caliber 22 na baril at dalawang Cellphones.

Nasa kustodiya na ng PNP Ramon sina Diyawyaw at Capulong na maharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Samantala, pinuri naman ni RO2 Regional Director PCSUPT Jose Mario M. Espino ang PNP Ramon sa kanilang matagumpay na operasyon kaya’t kanya pang hinikayat ang taumbayan at mga alagad ng batas na makiisa sa pagpuksa ng iligal na droga.

Facebook Comments