2 menor de edad patay, matapos pagbabarilin sa loob ng internet café sa Tacurong City.

Patay ang dalawang menor de edad na mga lalake matapos ang mga ito pasukin at pagbabarilin sa loob ng isang peso net cafe sa bahagi ng national highway Purok Saranay Barangay San Pablo, Tacurong city, alas 7:15 ng gabi.
Kinilala ang mga napatay na biktima na sina JP R. Ramos, alyas kokey 17-anyos, single, residente ng Fernandez Subdivision San Pablo, Tacurong City at isang Mark Arthur Bukani alyas Dading, 14 – anyos, residente ng Purok Maligaya San Pablo, Tacurong City.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng Tacurong city PNP at ng Scene of the Crime Operatives o SOCO nasa loob ng nasabing internet cafe ang dalawang biktima ng mangyari ang pamamaril ng hindi pa nakikilang gunman na pumasok sa loob nabanggit na internet cafe.
Nagtamo ng tig-iisang tama sa ulo ang mga biktima na siyang sanhi ng kamatayan mga ito.
Nagsasagawa naman ng malalimang imbestigasyon sa ngayon ang pulisya sa posibleng motibo sa pagpatay sa mga menor de edad.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments