Iginiit ng National Confederation of Tricycle and Transport Operator and Driver Association (NACTODAP) na unti unti na daw pinapatay ng tricycle ban ang kanilang kabuhayan.
Ayon kay NACTODAP President Ariel Lim aabot sa halos dalawang milyong driver at operator ang apektado sa ipinatutupad na pagbabawal sa pagdaan nila sa National Road.
Paliwanag nito maraming lugar sa bansa ang walang alternatibong ruta maliban sa national road na kanilang dinadaanan.
Panawagan nila na sa halip na tanggalin bigyan sila ng designated lane nang sa ganon ay makapagserbisyo sila sa publiko at manatili ang kanilang hanap buhay.
Facebook Comments