2 milyong sanggol, inaasahang isisilang sa Pilipinas sa 2021

Inaasahang aabot sa halos dalawang milyong sanggol ang isisilang sa Pilipinas sa susunod na taon.

Base ito sa projection ng University of the Philippines-Population Institute at ng United Nations Population Fund.

Ayon kay Commission on Population (POPCOM) Executive Director Juan Antonio III, ito ay dahil sa kawalan ng access ng mga tao sa family planning methods sa panahon ng lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.


Aniya, 10% o nasa 180,000 mga teenager ang nanganganak kada taon.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang POPCOM sa Department of Health (DOH) para sa kampanya nito laban sa hindi planadong pagbubuntis.

Facebook Comments