Unti-unti nang nag-no-normalize ang sitwasyon sa Itogon, Benguet.
Ito ay makaraang makapagtala ng spike o paglobo ng COVID-19 cases sa nabanggit na lugar.
Ayon kay National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, agad niyang ipinag-utos sa nasasakupang Local Government Unit (LGU) na i-lockdown ang dalawang mining sites na kung saan pinaniniwalaang nagsimula ang pagkalat ng virus.
Sa ngayon sinabi ni Galvez, mayroon din silang surveillance team upang matukoy ang iba pang lugar na posibleng may mataas na kaso ng COVID-19.
Tumulong na rin aniya si Contact Tracing Czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong upang matunton ang mga nakahalubilo ng mga COVID positive.
Facebook Comments