2 Miyembro ng BPAT na Nagbabantay sa mga Quarantine Facility, Nabangga ng Sasakyan!

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang dalawang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) nang aksidenteng mabangga ng sasakyan sa kahabaan ng Brgy. District 2 sa bayan ng Benito Soliven, Isabela.

Nakilala ang dalawang biktima na sina Romeo Marin, 63 anyos, walang asawa at Florito Tagudan, 60 anyos na kapwa residente ng Brgy. District 2.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, bumabaybay patungong Naguilian, Isabela ang isang Honda CRV na sasakyan na may plakang WHX 366 na minamaneho ni John Nelwin Ravana, 31 taong gulang, may-asawa, mekaniko at residente ng Brgy. Zone 3, San Mariano, Isabela.


Nang makarating sa harapan ng paaralan sa bayan ng Benito Soliven ang sasakyan ay aksidenteng bumangga sa barikada kung nasaan naroon ang dalawang BPAT na kasalukuyang nagbabantay sa paaralan bilang quarantine facility para sa mga Person Under Investigation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM).

Nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawang BPAT na naka-duty matapos madamay sa insidente at dinala ang mga ito sa ospital para mabigyan ng atensyong medikal.

Hindi naman nasugatan ang drayber ng sasakyan na dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments