Thursday, November 12, 2026

2 MOBILE COMPUTER CLASSROOMS SA ASINGAN, GAGAMITIN SA PAGSASANAY NG MGA ESTUDYANTE AT OUT-OF-SCHOOL YOUTH

Dalawang mobile computer classroom ang gagamitin sa Asingan upang mabigyan ng computer training ang mga mag-aaral at out-of-school youth na limitado ang access sa teknolohiya.

Nitong Nobyembre 10, sampung Grade 6 pupils mula sa Narciso Ramos Elementary School SPED Center ang sumailalim sa hands-on training sa basic encoding at digital drawing.

Napag-alamang laptop lamang ng kanilang guro ang ginagamit sa ICT lessons dahil hindi na gumagana ang ilan sa mga desktop computer ng paaralan.

Ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr., susunod na sasanayin ang mga out-of-school youth katuwang ang Pangasinan State University, bago dalhin ang mga mobile classroom sa iba’t ibang barangay.

Ang dalawang mobile classroom ay may kabuuang 24 computer at laptop units para sa mga mag-aaral, bukod sa iba pang kagamitang panturo.

Gayunman, nananatiling hamon ang kakulangan ng gumaganang computer sa mga paaralan.

Mahalaga ring matiyak ang pagkukumpuni o pagpapalit ng mga sirang kagamitan upang magkaroon ng tuloy-tuloy na access sa digital education ang mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments