Thursday, November 12, 2026

MAKABAGONG TEKNOLOHIYA AT PAGPAPAHUSAY NG EDUKASYON, MALAKI UMANONG TULONG SA MGA GURO

Hindi lamang mga pasilidad tulad ng mga classroom ang makatutulong sa pag-aaral ng mga estudyante kung hindi ang pagyakap rin sa mga makabagong teknolohiya upang mas mapahusay pa ang estado ng edukasoyn sa bansa ayon sa mga guro.

Ayon kay Sir John Aquino, Master Teacher II sa North Central Elementary School, malaking bahagi ng kanilang pagtuturo ang paggamit ng gadget tulad ng laptops at projectors upang mas malinaw na maipaliwanag sa kanilang mga estudyante ang mga kaalaman.

Dati aniya, madalas na gumagawa ng paraan ang mga guro para makapagbigay ng kaalaman tulad ng pagsusulat sa manila paper at paggawa ng makabuluhan at makulay na learning materials para makuha ang atensyon ng mg estudyante at maituro ng maayos ang mga aralin.

Bukod sa naipagkaloob na Apple Macbook laptop unit, umaasa si Aquino na hindi lamang ito ang magiging suporta ng pamahalaan para sa pagkatuto ng mga bata at kapakanan ng mga nasa sektor ng edukasyon.

Sa kasalukuyan ay may ilang bahagi pa rin sa bansa ang walang maayos na kagamitan, classroom, at pasilidad kaya naman patuloy ang mga proyekto at programa ng Department of Education upang agad itong matugunan.

Samantala, sa iba pang usapin, ikinatuwa at pabor rin ang mga guro sa mga pampublikong paaralaan ang panukalang bataas na naglalayong taasan ang kanilang minimum monthly salary sa ₱50,000. Kung maipatutupad ay malaking tulong rin umano sa kanilang pang araw-araw na gastusin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments