Thursday, November 12, 2026

PAGPAPANATILI NG DRUG-FREE WORKPLACE, ISINULONG SA MGA OPISYAL AT KAWANI NG SANTO TOMAS

PAGPAPANATILI NG DRUG-FREE WORKPLACE, ISINULONG SA MGA OPISYAL AT KAWANI NG SANTO TOMAS
Nagtipon ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan ng Santo Tomas, Pangasinan, kasama ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa isinagawang Orientation on Drug-Free Workplace noong Nobyembre 10, 2026.

Ayon sa lokal na pamahalaan, target nitong isulong ang pagpapanatili ng mga tanggapan na malaya sa ilegal na droga.

Tinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang kahalagahan ng pagtatatag at pagpapanatili ng isang drug-free workplace upang matiyak ang ligtas na kapaligiran sa trabaho.

Samantala, hinimok naman ng Santo Tomas Municipal Police Station ang mga dumalo na manatiling mapagmatyag laban sa ilegal na droga.

Facebook Comments