2 Notorious na Carnappers Nahuli sa Brgy. Canlanipa, Surigao City

2 Notorious na Carnappers Nahuli sa Brgy. Canlanipa, Surigao City Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Virgilio Davin Reosura, 20 taong gulang at John Paul Ligad, 21 taong gulang. Sa nakuhang impormasyon ng RMN, habang papunta ang Mobile Car pagbalik sa Police Station, nang madaanan ang Brgy. Canlanipa nakita ang 2 suspek at biglang tumakbo ang mga ito. Hinabol ng mga otoridad, nahuli at na-recover ang 3 motorsiklo na mga ninakaw. Noong isagawa ang body search, nakuhanan ng 4 na sachet sa pinaghihinalaang shabu. Sa ngayon, nakatakdang sampahan ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 6539 o ang Anti-Carnapping Law at Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.

Facebook Comments