Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa tropa ng 62nd Infantry Batallion sa La Castellana, Negros Occidental kahapon.
Sa ulat mula sa militar, nakasagupa nila ang mga NPA matapos silang magkasa ng operasyon dahil sa pangingikil at pananakot ng mga ito sa Barangay Sag-Ang.
Maliban sa 2 nasawi, narekober ng militar sa lugar ang mga matataas na kalibre ng baril, bala, medical paraphernalia at mga subersibong dokumento.
Sa hiwalay naman na operasyon sa Panay, 2 sundalo ang sugatan mula sa 61st Infantry Battalion nang makaharap ang mahigit kumulang 15 miyembro ng NPA.
Inabot ng 12 minuto ang tagal ng putukan bago tumakas ang mga kalaban.
Ayon kay 3rd ID commander MGen. Marion Sison, malaking tulong ang impormasyon na nakukuha nila sa mga residente sa pagkakasa nila ng mga operasyon.
Dahil sa dalawang magkahiwalay na engkwento, sinabi ni Sison na mas paiigtingin nila ang kanilang monitoring para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa Western at Central Visayas.