Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang serye ng engkwentro sa Negros Occidental.
Ayon kay AFP Visayas Command (VisCom) Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, unang nangyari ang engkwentro sa Barangay Yao-Yao, Cauayan sa pagitan ng 15th Infantry Battalion at Southwest Front sa ilalim ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol at Siquijor.
Sinundan ito ng ikalawang engkwentro habang hinahabol ng tropa ng gobyerno ang mga tumatakas na NPA.
Makalipas lang ang ilang minuto, sumiklab ang ikatlong engkwentro habang patuloy na tinutugis ng militar ang mga kalaban ng gobyerno.
Narekober sa lugar ang M16 rifle, M14 rifle, Cal. 45 pistol, Anti-Personnel Mine, iba’t ibang bala, medical kit, personal na gamit at mga dokumento.
Pinuri naman ni Lieutenant General Arevalo ang kanilang tropa sa pagsisikap na mawakasan ang local communist armed conflict sa rehiyon sa lalong madaling panahon.