2 Pamilya sa Cagayan, Natulungan sa ‘Pabahay Project’ ng PRO2

Cauayan City, Isabela- Pormal na ipinasakamay ni Police Brigadier General Steve Ludan, regional director ng Police Regional Office 2 ang bagong tayong bahay sa dalawang (2) pamilya na napiling benepisyaryo ng “Pabahay Project” ng PRO2 sa Lalawigan ng Cagayan.

Malugod at masayang tinanggap ni Ginang Elvy Tamayo at anak na si Ruby ng Barangay Tagum, Camalaniugan, Cagayan ang kanilang bagong bahay na ipinagkaloob sa kanila ng kapulisan.

Nabatid na ang anak ni Tamayo ay biktima ng pag-aabuso ng sariling ama kung saan ang kanilang ikinabubuhay ay ang paggawa ng flower vase na gawa sa mga recycled plastic materials.


Napili rin sa nasabing proyekto si Ginoong Ernesto Balsan Jr. ng Barangay Bangag, Aparri, Cagayan na may limang (5) anak.

Natukoy ng pulisya ang pamilya ni Balsan Jr, matapos i-post ng isang concerned citizen sa social media ang kalagayan ng dalawa nitong anak na may iniindang karamdaman.

Pinasalamatan naman ngi RD Ludan ang lokal na pamahalaan ng Aparri at Camalaniugan maging ang iba pang mga stakeholders na nagbigay ng suporta at tulong sa nagpapatuloy na proyekto ng kapulisan para sa mga less fortunate na pamilya sa Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments