2 Pampasaherong Bus, Pinagbabato sa Nueva Vizcaya!

596

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ang pulisya ng pambabato sa mga dumadaang pampasaherong bus sa pambansang lansangan sa bahagi ng Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon kay PMaj.Ferdinand Laudencia, hepe ng PNP Solano, habang binabagtas ang pambansang lansangan ng dalawang bus na may temporary plate number 137709 na minamaneho ni Jayson Tomas, 46-anyos, residente ng Brgy. Villasis, Santiago City at isa pang bus na may temporary na plakang 024410 na minamaneho ni Felix Taguba, 43-anyos, residente ng Minanga, Tumauini, Isabela.


Pasado alas 9:00 kagabi habang patungo ang dalawang bus sa kalakhang Maynila ay nakasalubong nila ang isang motorsiklo at bigla na lamang silang pinagbabato.

Parehong nabasag ang harapang salamin at ibang bahagi ng tagiliran ng dalawang bus.

Agad na tumakas ang dalawang kalalakihan na suspek lulan ang kanilang motorsiklo.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na responsable sa pambabato sa mga pampasaherong bus.

Facebook Comments