2 pang COVID-19 treatments, inaprubahan ng WHO

Inaprubahan na ng World Health Organization (WHO) ang dalawa pang gamot laban sa COVID-19.

Batay sa WHO Experts na British Medical Journal (BMJ), ang Baricitinib na ginagamit kasabay ng Corticosteroids ay nakatutulong sa paggaling ng severe o critical COVID-patients at nababawasan din ang pangangailangan sa ventilators.

Inirekomenda rin ng WHO Experts ang synthetic antibody treatment na Sotrovimab para sa mga non-serious COVID pero may mataas na tsansang ma-ospital gaya ng mga nakatatanda.


Gayundin ang may mga immunodeficiency o chronic diseases kagaya ng diabetes.

Nauna nang inaprubahan ng WHO ang tatlo pang ibang gamot bilang lunas sa COVID-19 kabilang ang Corticosteroids, Tozilizumab at Sarilumab.

Facebook Comments